
*Tagalog review, originally posted in my Multiply/Friendter account*
Grabe!!! Never ko naisip na maadik ako sa drama na ito...promise!
Well kasi I just tried watching it last year...dahil alang magandang palabas sa TV. Pag ganoon 3 channels lang ang pinupuntahan ko...ARIRANG, NHK or KBS WORLD. So heto may nakita akong kdrama sa KBS World (ito nga)...at sinilip ko lang naman. Eh di nagets ko na yung story...pero di naman striking. Sabi ko pa nga sa sarili ko..."Ano ba yan, parang mga Pinoy drama din!" Parang ganun kasi formula...si ganito nagpakasal kay ganiyan dahil sa pera, si mother galit kay 2nd wife dahil 2nd wife nga siya ng anak niya na na biyudo, may impaktang spoiled na nakakainis, may sabunutan dito at doon, isang dibursyadang naghahabol dun sa dati niyang asawa, si gurlalu di maka-get over sa lalaking nang-iwan sa kanya...etc etc!!!
So yun nga...pero every night after dinner nagmamadali ako sa TV namin para makita ang latest chika sa drama na ito. Kahit di ko masimulan okay lang...basta may mapanood. Kahit nga may namimiss akong episodes naiintindihan ko ang story. Minsan ilang araw na ang lumilipas na di ko napapanood ito...tapos pagnood ko ulit yung last topic na nakita ko yung pinag-uusapan pa rin nila! Haha! Ganoooon kabagal!
Pero ayan nga hanggang last episode eh sinubaybayan ko ito. Di ko inexpect na magiging fave ko siya. Napamahal na sa akin ang lahat ng characters dito. Ang maganda kasi dito...parang lahat sila bida at kontrabida. Okay hindi lahat...pero in a way ang mga kontrabida nagiging bida din. Di sila yung usual kontrabida forever na pinatawad na lang sa huli dahil mabait yung bida. Basta may ginagawa silang iba sa story that will make you love them talaga.
Grabe first scene pa lang ng last episode kanina napaiyak ako!!! Ano ba yan!!! Kahit alam ko naman ang mangyayari...ayan...napaiyak pa rin ang mata ko!! Pati sa last scene kung saan lahat sila dang saya...nakiiyak ako sa tuwa. Ano ba yan!!! Neway, mamimiss ko silang lahat!!! Fan na ako ni Baekho at Danpung!!! LOL!!! Hihi! Love ko ito kahit lagi ito ang dahilan kung bakit dang late ko mag-ayos bago matulog (lalo na pag ang pasok ko eh 530am kinabukasan...haha!).
Mamimiss ko din yung theme song..."Tell me...I love you...forever..." na kinanta ng napakacute na boses. Di ko alam sino yun eh. Wehehe! Aakalain mong anime pinapanood mo...hehe!
Next stop would be You're My Destiny with Yoona (aka Yola...hehe!)...parang gusto kong panoorin!!! mahihirapan na naman ako after dinner! LOL!